PARA SA MGA SINGLE D'YAN!!!!!

Mga Dahilan Kung Bakit Single Ka Pa Rin


Ilang ulit na bang nangyari sa iyo ito? Ngayon ang
kasal ng pinsan mo.
Heto ka ang ganda ganda mo. Naghanda ka talaga dahil
minsan-minsan lang
ang okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay
na lang kayo
nagkikita-kita so ngayong kasal ng pinsan mo, gusto
mo namang maging
maganda at mapansin nila. Aba, napansin ka nga.
Ganito ang tanong ng
lahat ng kaanak mo sa iyo..."O ikaw kelan ka
ikakasal?" "Uy, ikaw na ang
susunod ano?" Parang gusto mo na sa susunod na lamay
sila naman ang
sabihan mo ng "Ikaw, kelan ka susunod?"





Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya
kaya sinulat ko ito.
Hindi ka dapat malungkot dahil maraming posibleng
dahilan bakit hindi ka
pa kinakasal hanggang ngayon. Hayaan mo silang mainip
sa paghihintay.
Basta kung okay ka, okay ka. Hayaan mo tulungan kita
mag-isip kung bakit
wala ka pa ring asawa hanggang ngayon. Naisip ko na
'yan eh. Ito ang
sampung dahilan bakit wala pa.





1. Kailangan mong mag-concentrate sa career.

Hindi na uso ang mga babaeng pambahay ngayon.
Kalimitan meron ng
tinatawag na career. Habang hindi ka pa
tinatamaan ng palaso ni
kupido, hamo na munang magconcentrate ka sa trabaho
mo. Kailangan mong
ma-achieve ang full potential mo bago ka mag-asawa,
kasi 'pag nag-asawa
ka na, tanggapin na natin, iba na ang mga prioridad
mo sa buhay. Lagi ng
mauuna ang pamilya. Habang feel mo pang lumaban ng
lumaban sa rat race
at umakyat ng umakyat sa corporate ladder, huwag
mong panghinayangan na
wala ka pang sariling pamilya. - SANA
PAGBABA KO NG LADDER E MAY KA AGE PA KONG AVAILABLE
O KAYA SANA DUN NA
KAMI SA LADDER MAGKASALUBONG HEHE





2. Masyadong mataas ang standards mo.

Ibaba mo kasi ng konti, baka naman kahit si Rizal
hindi ma-achieve yung
standards mo. Tandaan mo, si Rizal kahit na bayani
medyo babaero din.
Walang taong perpekto. Kahit naman ikaw di ba? Meron
ka ding kapintasan?
Baba mo ng konti, yung makatarungang pamantayan
lang. Baka naman
naghahanap ka ng Brad Pitt eh di ka naman si
Angelina Jolie. Lumagay
ka lang sa dapat mong kalagyan. Baka naman
naghahanap ka ng kasing yaman
ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman.
Huwag. Huwag ganoon.
Para kang g**o non. Baka naman naghahanap ka ng
smart, na gwapong,
mayaman. Ate, kung ganon ang hanap mo, malamang
tatandang dalaga ka na
talaga. Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung
salat sa face value,
babawi na lang siguro yung sa bait at sa talino.
Kung puro face value
naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali,
manalig ka na lang na
baka pag pinakain mo ng gulay tumalino or ito the
best, lahat naman ng
tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait. - DAMI KO NA
NGANG KINUMPROMISE NA
STANDARDS E :-p





3. Hindi ka lumalabas ng bahay.

O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa opisina lang
naman ang punta mo.
Huwag ganon. Sumama ka sa mga kaibigan mo, mag-mall
ka, magsimba ka,
mag-outreach program ka. Huwag mong panisin ang
sarili mo sa bahay dahil
wala talagang makakapansin sas
iyo sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons
at Yoga. Imaginin
mo kung magka-boyfriend ka na Yoga master? or di
kaya, chef. O di ba
cool 'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee
shops, at kung
saan-saan pang mataong lugar. Baka sakali mapansin
ka doon. - DAIG KO PA
C ROSANA ROCES SA PAGIGING CURACHA, DI KO PA NGA
LANG NAGAGAWAN MAG
PAINTING, VOICE LESSONS AT YOGA




4. Baka naman sobrang tapang mo.

Oo nga naman, baka naman sobrang masungit ka at
natatakot sa iyo ang mga
potential
suitors mo. Baka dapat kang maging approachable ng
konti. Baka masyadong
maangas
ang dating mo imbis na matuwa sa iyo matakot. Baka
sobrang independent
mo, at
parang mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may
epekto rin 'yan.
Baka
sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara
lang sila or baka
'pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng
red ink pen.
Magkunwari ka kayang t**** minsan-minsan, tingin mo?
- GUILTY MINSAN NGA
NAG EDIT AKO AT SINABI KO PA SORI... SORI....





5. Baka naman kasi losyang ka.

Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-minsan kay lang
kung pangit ka,
pangit ka talaga. No amount of make up can change
that. Pero at least
pwede ma-enhance ng konti. - 2X NA NAMAN AKO
NAGSUSUKLAY NGAYON A, DATI
NGA ONCE LANG E





6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon ang
para sa iyo.

Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw
from the Lord ang
mga girlfriends/boyfriends. O eh baka naman
hinahanapan pa ni Lord ng
magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw 'pag
hinarap ang
packaging i-reject mo. - KOREK! PWDE NAMANG
ORDINARY LNG PACKAGING
BASTA MAGANDA NASA LOOB :):):)





7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa
iyo.

Malay mo kasi taga-Norte yung para sa iyo eh mahal
naman ang toll fee.
Baka nagtitipid dumaan sa walang toll kaya medyo
natatagalan. - BKA NGA
SA MIDDLE EAST
GALING, NAPAGOD ANG KAMELYO AT TULUYAN NG NA
STRANDED SA DISYERTO





8. Baka naglakad yung para sa iyo.

Parating na 'yon kaya lang mahal ang gasolina so
naglakad na lang
papunta sa iyo. Besides, walking is good for the
heart daw. Baka sa
kakalakad naligaw na. Ito pa namang mga lalaking
ito, hindi magtatanong
kung hindi pakiramdam nila naliligaw na sila. -
DAPAT KASI BUMILI SIYA
NG MAPA




9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa iyo.

Baka naman nag-iipon pa ng lakas ng loob o di kaya
nag-iisip pa ng
magandang tiyempo. Baka talagang hindi lang siya
makapag-salita dahil
sobrang mahiyain niya. Baka naman dapat makiramdam
ka rin ng konti kasi
talagang deadma ang dating nito. Baka dapat
tinatanong ng unti-unti. -
DINERETSO KO NGA KASO, IBA ANG TYPE (PAPA RIN, MUJER
PALA)





10. Baka naman talagang for single blessedness ka.

Ipagdasal mo. Baka naman kasi pinapagod mo ang
sarili mong kakaisip
bakit you're still single eh hindi naman kasi
marriage ang plan ni Lord
for you. Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya
baka naman ikaw ang
naliligaw. Baka naman ikaw ang nagtitipid. Baka
naman kasi ikaw ang
torpe. Baka naman kasi ikaw ang problema.
- PAG GANITO NANGYARI
MAGTATAYO NA LANG AKO NG HOME FOR THE SINGLE AGED MEN
WOMEN WANNA JOIN, HAHA





Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating Din
Yun. Kung para sa
iyo, para sa iyo. Kahit iwasan mo, para talaga sa
iyo. - SANA PAGDATING
NYA DI MO NA KAILANGANG PAKULUAN SA PRESSURE COOKER
ANG MATRES MO HAHAHA

0 comments

Post a Comment